advertisement
TV

Frankie Pangilinan shares what she learned about love from parents

1 of 10

Communication is key

Para kay Frankie Pangilinan, pinakamahalaga pa rin sa isang successful relationship ay communication, bagay na nakita niya mula sa kaniyang mga magulang.

2 of 10

Opposites

Pagbabahagi ni Frankie Pangilinan, maraming pagkakaiba ang kaniyang mga magulang, pero ang importante ay ang pagkakapareho nila, "Number one, integrity, they are so themselves all of the time. Like kung how mommy appears on TV, that's exactly how she is."

3 of 10

Each Other's other whole

Sang-ayon din si Frankie Pangilinan sa sinabi ni Boy Abunda tungkol kina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na buo sila pareho. Ani Frankie, "Buo, exactly. It's never 'She's my other half.' No, they are each other's other whole so palaging merong sasalo in other words."

advertisement
4 of 10

Love language

Ibinahagi rin ni Frankie Pangilinan ang love language ng kaniyang mga magulang: pagkain, bagay na tumatak sa isip niya sa paghahanap ng magiging boyfriend, partner o asawa sa hinaharap.

5 of 10

Signs

Ayon kay Frankie Pangilinan, magiging senyales para sa kaniya na nahanap na niya ang the one dahil sa pagkain. Pagbabahagi ng dalaga, "When 'yung maliliit po na mga swahe na sobrang tamis, pero medyo mahirap dahil tuwing hinihimay po siya, obviously, matagal tapos maliit lang 'yung bite. My soulmate, my husband would help me peel and would make a little pile po, and he will carry din po 'yung mga baka at baboy ko galing sa palengke."

6 of 10

Boyfriend?

Kung dati ay hindi maisip ni Frankie Pangilinan na mag-boyfriend dahil pabalik-balik siya sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, tanong ni Boy, handa na kaya siya magka-boyfriend ngayon?

advertisement
7 of 10

Workaholic

Hiling ni Frankie Pangilinan, bigyan muna siya ng oras para matapos ang nobelang sinusulat niya. Paliwanag niya, sobrang workaholic siya kaya baka hindi rin niya mabigyan ng oras ang magiging boyfriend.

8 of 10

You don't plan it

Sinang-ayunan din ni Frankie Pangilinan ang sinabi ni Boy Abunda na hindi naman talaga pinaplano ang pagkakaroon ng partner o love life.

9 of 10

Past relationships

Nang tanungin naman siya ni Boy Abunda kung ilan na ang naging boyfriend niya, pag-amin ni Frankie Pangilinan, " I think real, like long, long term boyfriend was one, and that was enough because after that I was like, 'Woah!' that was my first, that was my first relationship."

advertisement
10 of 10

Favorite song

Sa ngayon, masaya lang si Frankie Pangilinan na pakinggan ang favorite song niya mula sa mga kanta ng kaniyang ina na si Sharon Cuneta. Ang "Dear Heart," na pinapakinggan niya umano para isulat ang kaniyang nobela.

Around GMA