Mahirap man tanggapin, ang katotohan ay hindi lahat ng love story ay may happy ending - kahit na artista ka pa.
Gayunpaman, hindi ibig sabhin na hindi na puwedeng maging magkaibigan ang dating nagiibigan, lalo na kung nagkaroon sila ng mga anak noong magkasama pa sila.
Mula kay Kapuso actress Jennylyn Mercado at sa dating karelasyon na si Patrick Garcia hanggang kay Star for all Seasons Vilma Santos at Edu Manzano, maraming ehemplo ng mga celebrity ex-couple na naging matiwasay ang pagkakaibigan pagkatapos ng hiwalayan.
NARITO ANG ILANG MGA CELEBRITY EX-COUPLE NAGING MAGKAIBIGAN PARA SA KAPAKANAN NG KANILANG MGA ANAK.
Lagpas isang dekada na ang lumipas mula nang maghiwalay si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, pero magkaibigan pa rin ang dalawa at magkaagapay sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Jazz, na ngayon ay binata na.
Napanood ng mga Pilipino ang hindi pagkakasundo ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito pagdating sa kustodiya ng kanilang anak na si Ellie. Gayunpaman, nagawang lagpasan ito ng dalawa at sa katunayan ay sabay na pinuntahan ang piano recital ng kanilang anak.
Siyam na taon nang magkahiwalay ang dating magka-relasyon na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pero matiwasay pa rin nilang napapalaki ang kanilang anak na si Katie.
Hiwalay mula noong 2016 ang dating mag-asawa na si Sunshine Dizon at Timothy Tan, ngunit nirerespeto pa rin ni Sunshine si Timothy bilang ama ng kaniyang mga anak na sila Doreen at Anton.
Labing-dalawang taong kasal si Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren bago sila naghiwalay. Nag-uusap at nagkikita pa rin hanggang ngayon ang dating mag-asawa. Sa katunayan, noong Enero 2023 ay nagkita ulit ang dating mag-asawa at ang kanilang mga anak.
Dalawang taon lamang kasal ang Star for all Seasons na si Vilma Santos at Edu Manzano, pero nanatiling magkaibigan ang dalawang haligi ng showbiz. Kamakailan lamang ay parehong umattend ng binyag ng kanilang apong si Isabella Rose ang dalawa.
Mag-asawa sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez mula noong 1989 hanggang 2008. Apat ang kanilang naging anak - ang artistang si Janine, si Jessica, si Diego, at si Maxine. Kahit na-annul na ang kanilang kasal ay pareho pa rin silang nasa buhay ng kanilang mga anak, tulad noon bumukod ang kanilang anak na si Janine.
Labing-pitong taong kasal si Pops Fernandez at Marin Nievera bago sila nag-hiwalay. Mag-kaibigan pa rin ang dalawa, at noong nagkasakit ang kanilang anak na si Ram noong 2021, pareho nila itong inalagaan kasama ang isa pa nilang anak na si Robin.
Naghiwalay noong 2018 ang mag-asawang sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Unang nagkakilala ang dalawa sa That's Entertainment sa GMA noong 1980s.
Sa isang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Harlene Bautista na nanatili silang magkaibigan ni Romnick Sarmenta para sa kanilang limang anak - sina Abijah, Seki, Bo, Merel, at Yuwela.
Hindi ikinasal sina Buboy Villar at Angllyn Gorens, pero engaged sila mula 2016 hanggang 2020 bago naghiwalay.
Noong naghiwalay ang dalawa, binansagan silang “bad parents” ng ilang mga netizen dahil sa kanilang paghihiwalay. Dito ipinakita ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan dahil pareho nilang pinandigan ang kanilang sitwasyon.
Dalawang taon na mula noong naghiwalay si Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Bagama't magulo ang naging kanilang paghihiwalay at aminado si Kylie na “stuck in flight-or-fight” simula noon, maayos na ang kanilang relasyon ngayon lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak.
Dalawang taon lamang kasal si Michelle Madrigal at fitness trainer na Troy Woolfolk, pero nanatili silang magkaibigan upang maging co-parent sa kanilang anak na si Anika.
Problemado sina Erin Ocampo at Michael Pangilinan noong una silang nahiwalay, pero ayon mismo kay Erin, okay na ang kanilang co-parenting.
Anim na taon kasal sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson bago sila naghiwalay. Kahit karelasyon na ngayon ni Pampi Lacson si Iwa Moto, magkaibigan pa rin sila ni Jodi. Sa katunayan, dumalo si Jodi sa binyag ng pangalawang anak ni Pami kay Iwa.
Halos dalawang dekadang kasal sina Sunshine Cruz at Cesar Montano bago sila naghiwalay. Gayunpaman, pareho pa rin silang nasa buhay ng kanilang mga anak. Kapwa sila nasa 18th birthday party ng kanilang anak na si Sam.
Sa interview sa kaniya sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Jackie Lou Blanco na sana ay hindi na lamang sila naghiwalay ng dating asawa na si Ricky Davao dahil kahit magkaibigan pa rin sila at co-parents, nakita niya kung paano naapektuhan ang kaniyang mga anak.