News
From dreamer to Big Winner: Mika Salamanca reflects on 'PBB' journey

Ang pagkapanalo ng nina Brent Manalo at Mika Salamanca o BreKa bilang Big Winner Duo ang pinaka pinag-uusapan ngayon tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakamit nila ang tagumpay na ito sa katatapos lang na Big Night ng teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, na kauna-unahang collab reality show ng GMA at ABS-CBN.
Kasunod nito, inalala ng Sparkle star na si Mika ang kanyang Pinoy Big Brother journey, kasama ang unang pagsubok niya noon na makapasok bilang housemate sa Bahay Ni Kuya.







