News
#FullyBooked: Shuvee Etrata, pinag-aagawan ng 'Unang Hirit,' 'It's Showtime,' at 'Pinas Sarap'

Matapos ang ilang araw ng pagpapasaya sa noontime show na It's Showtime, sa morning show naman na Unang Hirit napanood si Shuvee Entrata.
Umagang-umaga pa lang ay nagpasaya na si Shuvee ng mga manonood ng Unang Hirit, lalo na't nang kumustahin nila si Jade Velasco, ang live-seller na parang Mannequin, kasama ang kapwa host na si Shaira Diaz.
Pero bago ang naging pagpapasaya na 'yan ni Shuvee sa Unang Hirit, marami muna ang natuwa sa sagutan ng social media pages ng Unang Hirit, It's Showtime, at Pinas Sarap dahil lahat sila ay gustong kunin si Shuvee.







