Born to Shine
Gaea Mischa, may pasilip sa The Soundtrack mall show ng 'Born to Shine'

Nagkaroon ng pasilip ang upcoming family musical drama series na Born to Shine nang magtanghal ang ilan sa mga cast member nito sa The Soundtrack mall show na ginanap sa Robinsons Malabon.
Present doon ang mga bidang sina Zephanie, Olive May, Roselle Nava, Mitzi Josh, Gaea Mischa, Miggs Cuaderno, Chloe Redondo, Angelika Santiago, at Aaliyah de Gracia.
Doon ay ipinarinig ni Zephanie ang theme song ng serye, habang ang grupo naman nina Olive, Chloe, Angelica, at Aaliyah na Nixie ay ipinarinig din ang kanilang original song.
Hindi naman pinalampas ni Gaea na kumuha ng ilang litrato mula sa event.
Tingnan ang mga naganap na The Soundtrack mall show mula sa mga lente ni Gaea sa gallery na ito:







