Gay couple, magtatago sa homophobic landlord sa 'Regal Studio Presents: Our Happy Apartment'

Magpakatotoo kasama ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents!
Sa episode na pinamagatang "Our Happy Apartment," isang gay couple ang magtatago ng tunay nilang katauhan dahil sa kanilang landlord.
Bagong lipat sa isang apartment complex sina Gavin (Migs Almendras) at Toffer (MJ Macalintal). Makikilala nila si Tonio (Joey Marquez), ang landlord nilang dating sundalo.
Mapapansin nilang tila homophobic si Tonio kaya gagawin nila ang lahat para magmukha silang macho tulad nito.
Mabibisto kaya ni Tonyo sina Gavin at Toffer?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Our Happy Apartment," August 31, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






