Gazini Ganados, Kristoffer Martin, Ahron Villena, nagbigay-saya sa Sarangani Province

Dumalo sa naganap na Mutya ng Tupi 2024 sa Sarangani Province at nagbigay ng saya ang Sparkle stars na sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at ang aktor na si Ahron Villena.
Samantala, hinarana naman ng Kapuso singer-actor na si Kristoffer Martin ang mga kandidata sa hiwalay na Mutya ng Alabel, na naganap rin sa Sarangani Province. Nakasama rin niya bilang host ng programa si Gazini na patuloy na nagbigay ng saya at inspirasyon sa mga kandidata.
Ang Mutya ng Tupi ay isang pageant na idinadaos kasabay ng pagdiriwang ng Sarangani Province ng kanilang anibersaryo. Labing-anim na naggagandahang kandidata ang naglaban-laban para sa titulong Mutya ng Tupi.
Kasabay naman ng Mutya ng Alabel ang foundation anniversary ng Alabel, kung saan ipinagdiriwang nila ang kultura at mga produkto ng munisipalidad.
Tingnan ang pagdalo at pakikisaya nina Gazini, Ahron, at Kristoffer sa gallery na ito:









