advertisement
TV

Gee Canlas, nagsisi na hindi agad tinapos ang relasyon kay Archie Alemania

1 of 10

Presence

Isa sa mga natutuhan ni Gee pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Archie ay laging maging present. Maymga pagkakataon raw kasi na kapag kinakausap siya ay tumatawa lang siya, ngunit wala sa pinag-uusapan ang isipan.

2 of 10

Never absorbing

Madalas, sabi ni Gee, hindi niya fully naa-absorb ang sinasabi ng kaniyang kausap.

3 of 10

Fully present

Ngayon, mas fully present na siya--hindi lang sa kaniyang mga kaibigan, pati sa kaniyang anak na si Caleb.

advertisement
4 of 10

Zeroing in

Sabi ni "That's how I can be also there for Caleb, na hindi lumilipad 'yung utak, ang daming wino-worry, ang daming iniisip. Si Caleb 'yung one thing that allows me to be present and zero in."

5 of 10

Showing up

Ngayong hiwalay na sila ni Archie Alemania, aminado si Gee Canlas na may kailangan niyang mag-show up para sa kanilang anak.

6 of 10

Still processing

Aminado naman si Gee na hanggang ngayon ay hindi pa niya lubusang napoproses ang nangyari sa kanila ng dating asawa. "It takes a while kasi po parang I have to-- hindi tumitigil 'yung buhay, hindi tumitigil 'yung araw so wala akong choice, I have to keep going at it," sabi ng aktres.

advertisement
7 of 10

Galit sa puso

Aminado naman ang aktres na noong una ay may galit sa puso niya. Ngunit ang galit na ito ay napalitan umano ng kalungkutan, lalo na at isa sa mga pangarap niya ang magkaroon ng pamilya.

8 of 10

Accepting

Sabi ni Gee, "Parang to me, okay na, e. But I'm in the process right now of accepting what is and 'yung galit, being human, you are. I woul be fake if I tell you, 'No, Tito Boy, hindi ako nakaramdam.' But now it's more of 'Wala na, e.'"

9 of 10

Regrets

Isang pagsisisi ni Gee Canlas ay ang hindi niya pag-alis nang mas maaga sa kanilang relasyon. Dahil pangarap nga niya ang magkaroon ng pamilya, naging mahirap para sa aktres na iwan ito.

advertisement
10 of 10

Work

Pag-amin ni Gee, malaking tulong ang trabaho niya sa 'House of Lies' para unti-unting maka-moveon. Naging tulay rin ito para mailabas niya ang mga emosyon niya sa eksena.

Around GMA