Get to know 'Little Miss Diva' grand winner Althea Ruedas

Itinanghal ang 10-year-old child performer na si Althea Ruedas ng Antipolo City bilang "Little Miss Diva" grand winner ng 'Eat Bulaga.'
Nagpamalas ng kabibuhan at talento sa pagkanta si Althea sa grand finals ng nasabing talent search.
Hindi na bago kay Althea sa ganitong mga kompetisyon dahil sumali na rin siya sa "Little Miss Philippines" ng longest-running noontime show sa bansa.
Anim na taong gulang noon si Althea nang magwaging first runner-up sa kiddie pageant ng 'Eat Bulaga' noong 2019. Si CJ Keith Longcanaya ang itinanghal na "Little Miss Philippines 2019."
Pamilyar sa marami si Althea dahil isa rin itong artista. Isa nga sa mga pelikulang ginawa niya ang hit Netflix family drama na 'Doll House' na pinagbidahan nila ni Baron Geisler.
Kilalanin pa ang "Little Miss Diva" champ na si Althea Ruedas sa gallery na ito:













