Get to know Pasig's 'Kween Birit' Sofia Mallares, the new 'The Voice Kids' winner

Ipinakilala na ang bagong The Voice Kids grand winner at ito ang "Kween Birit ng Pasig City" na si Sofia Mallares.
Mula si Sofia sa grupo ng Project Z sa ilalim ng patnubay ng singer-songwriter na si Zack Tabudlo, na produkto rin ng kompetisyon.
Sa blind auditions pa lang, nakitaan agad ng potensyal si Sofia ng coaches dahil siya ang unang four-chair turner ng 2025 season ng The Voice Kids.
Sa edad na 13, ipinamalas ng young singer ang kanyang vocal control and talent at kakayahang bumirit, na nagpaangat sa kanya sa biggest singing competition.
Hinangaan ang kanyang powerful performance sa live finale ng The Voice Kids kung saan inawit niya ang operatic song na "The Prayer". Kaya naman sa huli, siya ang itinanghal na panalo matapos makakuha ng pinakamataas na boto.
Kilalanin pa ang bagong The Voice Kids champ na si Sofia Mallares sa gallery na ito.









