Regal Studio Presents
Ghost passenger, may unfinished business sa 'Regal Studio Presents: Ben's Busline'

Tungkol sa unfinished business ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Ben's Busline," kuwento ito ng isang bus driver at pasahero niyang multo.
Nang pauwi na si Ben mula sa biyahe, masisira nag minamaneho niyang bus.
Ikagugulat niyang makita dito si Gina na ayaw bumaba at nagpupumilit pang hanapin ang nawawala niyang pitaka.
Isa palang multo si Gina at may unfinished business siya.
Paano matutulungan ni Ben na matahimik ang kaluluwa ni Gina?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Ben's Busline," August 10, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






