Gigi De Lana, ibinunyag ang totoong sakit: 'I have pericarditis'

Marami ang nag-aalala para sa singer na si Gigi De Lana matapos mawalan ng malay habang nasa isang gig.
Kamakailan lang ay nag-collapse si Gigi matapos mag-perform sa kanyang concert sa Samal, Davao del Norte.
Sa kanyang Facebook live noong Huwebes, March 12, nagsalita na OPM artist tungkol sa totoong kalagayan ng kanyang kalusugan.
Aniya, "Recently, I actually confirmed that I have pericarditis which means the lining around my heart is inflamed."
Ang pericarditis ay ang pamamaga ng pericardium, ang fluid-filled sac na nakapalibot sa puso bilang protective membrane. Kapag namaga ito, nagkakaroon ng friction sa pagitan ng mga layer ng membrane, na nagdudulot ng pananakit ng dibdib.
Patuloy ni Gigi, "Because of that, I sometimes experience sudden chest pain or attacks that can come randomly.
"It can be uncomfortable and scary at times, but the good news is I'm being closely monitored by my doctors, and I'm following their guidelines carefully."
Nilinaw ni Gigi na bagamat maaari pa rin siyang mamuhay nang normal sa kabila ng kanyang kondisyon, dapat niyang mas bigyang-halaga ang pagpapahinga.
"What they advised me is to continue living my life as normally as possible while giving my body the time it needs to recover.
"Healing from this condition takes patience. Some days are better than others, but recovery is a process and I am taking it one step at a time."
Related gallery: Celebrities get real about their health concerns
Samantala, tiniyak ni Gigi sa kanyang fans na maayos ang kanyang kalagayan sa ilalim ng gabay at pangangalaga ng kanyang mga doktor.
"For those who have been worried, please know that I am okay and I have proper medical care. So please, don't worry about me. My doctors are allowing me to continue performing and doing my daily activities as long as I listen to my body and take the rest I need when necessary."
Nagpasalamat din si Gigi sa lahat ng nagpahiwatig ng concern at suporta sa kanya sa gitna ng pakikipaglaban sa sakit.
"Music and performing have always been a huge part of my life, and being able to share that with all of you gives me so much strength and joy.
"Your support, your messages, your care, and your love help me more than you know.
"Thank you for standing by me, for your understanding, and for continuing to support me through everything. I truly appreciate each and everyone of you, and please continue to keep me in your prayers as I recover."
Sa dulo ng kanyang live video, ipinangako ni Gigi na lalo niyang pag-iingatan ang kanyang kalusugan. "I promise I'm taking care of myself and doing everything I can to get better. I love you all so much."
Una nang nahimatay si Gigi habang nasa kalagitnaan ng kanyang gig sa Ilocos Norte noong May 2023.
Nangyari ito matapos siyang magtamo ng minor injuries mula sa isang car accident kasama ang kanyang bandmates, habang papunta sa nasabing event.
Related gallery: These Filipino celebrities are diagnosed with rare medical conditions





























