Giyera Na: Muling paghaharap nina Cristy at Shaira, dapat abangan sa 'Asawa Ng Asawa Ko'

Sa GMA Prime series na 'Asawa Ng Asawa Ko,' nakalaya na si Jordan (Rayver Cruz) mula sa pagkakabihag sa kanya ni Alakdan (Luis Hontiveros) dahil na rin sa pakikipagtulungan nina Cristy (Jasmine Curtis-Smith), Shaira (Liezel Lopez), Leon (Joem Bascon), at Hannah (Kylie Padilla).
Dahil nasa panganib ang buhay ni Jordan, panandaliang kinalimutan nina Cristy at Shaira ang kanilang hidwaan. Ngayong ligtas na si Jordan at nagpapagaling na sa ospital, tuloy na naman ang bangayan ng orihinal na asawa at ng bagong asawa.
Narito ang pasilip sa episode ng 'Asawa Ng Asawa Ko' bukas, September 2, kung saan magsisimula nang muli ang giyera sa pagitan nina Cristy at Shaira.






