Gladys Reyes at Christopher Roxas, minsan nang nagkahiwalay

Mahigit tatlong dekada nang nagsasama ang celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Sa kanilang guesting sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' ibinahagi nila kung paano nila nagawa ito.
Ani Christopher, "Alam lang namin 'yung gusto namin sa buhay, 'yung gusto namin sa pagsasama namin. Tinitingnan lang namin 'yung maganda."
Dagdag ni Gladys, "Malaking factor 'yung faith namin. Iba 'yung 'pag pareho kayo ng pananampalataya. Lagi kong sinasabi, prayers, patience, partnership, and to also respect each other's individuality."
Parehong miyembro ng Iglesia ni Cristo sina Gladys at Christopher.
Bukod riyan, pinag-usapan rin ng dalawa kung paano nila pinaghahatian ang responsibilidad bilang magulang sa kanilang apat na anak na sina Gian Christopher, Gianna Aquisha, Grant Carlin, at Gavin-Cale.
Balikan ang kanilang mga napag-usapan sa 'Fast Talk with Boy Abunda' sa mga larawang ito.









