Glaiza De Castro at Valerie Concepcion, maghaharap na sa 'The Seed of Love'

Hindi na maitago nina Bobby (Mike Tan) at Alexa (Valerie Concepcion) kay Eileen (Glaiza De Castro) ang lihim nilang anak na si Thirdy.
Habang tumatagal kasi ay mas napapansin ni Eileen ang pagkakahawig nina Bobby at Thirdy, lalong-lalo na nang ikumpara niya ang baby pictures ng dalawa.
Sa tulong ng kaibigan niyang si Mona (Yana Asistio), pupuntahan ni Eileen si Alexa para diretsahang tanungin kung si Bobby ang tatay ni Thirdy.
Ano kaya ang makukuhang sagot nina Eileen at Mona kay Alexa?
Narito ang pasilip sa pagkikita nina Eileen at Alexa sa 'The Seed of Love.'





