Fast Talk with Boy Abunda
Glaiza de Castro, excited at kinakabahan sa kanyang pagiging ina

Limang buwan nang buntis si Glaiza de Castro, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang buntis na siya sa kauna-unahan nilang anak ng asawa niyang si David Rainey.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, September 14, inamin ni Glaiza na very excited siya maging isang ina. Ngunit kasabay nito ang pag-aalala.
"Nandun ako sa part na, 'Will I be okay?' Kasi, bilang first-time mom, ang dami kong mga kailangan matutunan, ang dami kong kailangan malaman even sa sarili ko, especially first trimester, ang daming mga changes na hindi ko naiintindihan,” sabi ni Glaiza.
Sa katunayan, ayon sa '58th' actress, umabot siya sa puntong kinuwestyon niya ang pagbubuntis niya.
Alamin ang pregnancy journey ni Glaiza de Castro sa gallery na ito:









