GMA Afternoon Prime characters we loved this 2021

Mas naging mainit pa ang mga hapon ng maraming manonood ngayong 2021 dahil sa mga bagong timpla ng Afternoon Prime series na bumida ngayong taon, tulad ng Prima Donnas, Bilangin ang Bituin sa Langit, Babawiin Ko Ang Lahat, at Nagbabagang Luha.
Naging makabuluhan din ang panonood ng maraming Kapuso viewers dahil sa mga seryeng tumatalakay sa ilang napapanahong isyu at tema tulad ng Ang Dalawang Ikaw at drama anthology series na Stories from the Heart.
Binigyang buhay ito ng maraming Kapuso stars na ipinakita ang kanilang dedikasyon at husay sa pag-arte.
Narito ang ilang mga karakter na ating minahal mula sa paborito nating GMA Afternoon Prime shows na bumida sa 2021:














