GMA artists, ibinida ang kanilang proudest achievement bilang Kapuso

Inilunsad na ng Kapuso network ang bagong GMA Station ID ngayong Biyernes, Hunyo 28.
May titulong 'Isa sa Puso ng Pilipino,' isa itong pagtitibay sa pangako ng GMA Network na manatiling kaisa sa damdamin ng bawat mamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng balanseng impormasyon at de kalidad na programang sumasalamin sa tunay na buhay.
Samantala, bukod sa nakapaninindig-balahibong orchestra at makahulugang mensahe ng bagong GMA Station ID, tampok din dito ang iba't ibang henerasyon ng Kapuso stars at mga ipinagmamalaking bituin ng GMA Network.
Sa panayam ng GMANetwork.com, isa-isa nilang ibinahagi ang kanilang proudest achievement bilang isang Kapuso. Alamin ang kanilang mga proud moments dito:































































