GMA Gala 2023, Bea Alonzo-Dominic Roque engagement, Lea Salonga's viral video, kabilang sa top trending showbiz news of the week

Trending topic noong nakaraang linggo ang ginanap na GMA Gala 2023 kung saan nagsama-sama ang mga naglalakihang bituin ng GMA Network at ng ilang Kapamilya stars at executives.
Bago ang GMA Gala 2023, nag-propose na rin si Dominic Roque sa kanyang girlfriend na si Bea Alonzo habang nasa shoot ito sa Las Casas.
Naging laman din ng balita ang Broadway star na si Lea Salonga matapos mag-trending ang isang video kung saan makikita ang ilang fans na pumunta sa kanyang dressing room para magpakuha ng litrato.
Narito ang ilang pang showbiz news na trending noong nakaraang linggo.






