GMA Gala 2023: Vice Ganda finally meets Kapuso comedy genius Michael V.

Nagkita na sa wakas ang dalawang alagad ng komedya na sina Kapuso comedy genius Michael V. at It's Showtime host na si Vice Ganda sa ginanap na GMA Gala 2023.
Sa isang video, hindi pinalampas ni Vice ang mag-video kasama si Michael V. nang sila ay magharap sa nasabing event.
Makikita sa Instagram story ni Vice ang naturang video kung saan masayang-masaya ang dalawa sa kanilang paghaharap.
“Bitoy… Idol!” sigaw ni Vice sa video.
Spotted din dito ang co-host ni Vice sa noontime show na si Anne Curtis at ang asawa ni Michael V., na si Carol Bunagan.
Matatandaan na sinabi ni Michael V., na nais niyang mag-guest si Vice sa kaniyang programa na Bubble Gang ngayong posible na itong mangyari dahil sa pagpapalabas na ng It's Showtime sa free channel ng GMA na GTV.
Samantala, bukod naman kay Bitoy, may groufie video rin si Vice sa iba pang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Kyline Alcantara sa GMA Gala 2023.
SILIPIN ANG NAGING PAGRAMPA NG MARAMING CELEBRITIES SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO:























































































































































































































































