GMA Integrated News reporter EJ Gomez is serving looks while serving the news

From GMA Gala 2025 to balita, nag-trend online ang GMA Integrated News reporter na si EJ Gomez nang mapansin ng netizens na naka-full makeup pa rin siya habang nagbabalita. Dumalo kasi ang viral news reporter sa naganap na GMA Gala 2025 nitong Sabado, August 2, bago siya nakitang nagbabalita tungkol sa isang sunog sa Caloocan City.
@gmanews PANOORIN: Sunog, sumiklab sa Brgy. 160, Libis Baesa, Caloocan City pasado alas-10 ng gabi nitong Aug 2, 2025. Umabot ang sunog sa ikalawang alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection. Nahirapan din lumikas ang mga residente rito dahil gawa sa "light materials” ang karamihan ng bahay rito. | via EJ Gomez/GMA Integrated News #GMAIntegratedNews ♬ original sound - GMA News
Nag-trend din si EJ noong nakaraang linggo sa kasagsagan ng bagyo nang mapansin ng ilang netizens na kanyang "typhoon-proof" ang makeup. Sa isang Facebook post, sinabi ng reporter na nagising na lang siya sa isang article tungkol sa naturang makeup niya.
“So I woke up to this tonight. And I thought, I'm the one bringing the news but why am I always the last one to know news like this?” panimula ni EJ ng kaniyang post.
Pagpapatuloy pa niya, “But kidding aside, I'm beyond grateful for all the recognition I'm getting po. Two weeks of my life has never been this wild. I've been in awe; I've been so overwhelmed--in a very positive way. There are times it's getting hard to process everything.”
Paglilinaw ni EJ, hindi naman niya sinadyang mag-ayos sa trabaho para lang mag-trend. Ginagawa niya daw ito dahil gusto niyang magmukhang maganda para sa sarili, at para magkaroon ng kumpyansa tuwing nagbabalita.
“But now that I am on the trend, know that I'm staying focused at my responsibilities as a reporter po. Also know that all the praises and recognition are deeply appreciated--they keep me moving forward!” sabi ni EJ.
Samantala, tingnan ang ilang mga pagkakataonng angat ang ganda ni EJ habang nagbabalita sa gallery na ito:









