GMA Network at Star Studio Japan, maghahanap ng kampeon sa Japan para sa 'Tanghalan ng Kampeon'

Nilagdaan na ng GMA Network at Star Studio Japan ang franchise contract ng "Tanghalan ng Kampeon" ng 'TiktoClock.'
Ang contract signing ay naganap noong December 18 kasama sina GMA Network Vice President for Musical, Variety Specials, and Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Program Manager of TiktoClock Charles Anthony Koo, at ang Director and CEO of Star Studio Japan Elizabeth Gushi.
Dahil sa contract signing na ito, ang mga may pusong kampeon sa Japan ay may pagkakataon na magpakita ng kanilang talento sa 'TiktoClock.' Ang magwawagi sa "Tanghalan ng Kampeon Japan" ay makikipaglaban sa mga kampeon ng "Tanghalan ng Kampeon" sa 2025.
Balikan ang mga naganap sa contract signing ng GMA Network at Star Studio Japan dito:








