GMA Network, humakot ng mga nominasyon sa 2026 Laurus Nobilis Media Excellence Awards

Nagningning ang mga bituin, programa, at pelikula ng GMA Network matapos humakot ng nominasyon sa 'Laurus Nobilis Media Excellence Awards,' na opisyal na inilunsad noong Biyernes, January 23, 2026.
Ang nasabing parangal ay itinatag ng Lyceum of the Philippines University-Cavite upang kilalanin ang media icons at mga programang nagpamalas ng hindi matatawarang kahusayan sa industriya. Layunin din nito na bigyang-pugay ang mga personalidad na nagsasabuhay sa values and ideals na itinataguyod ng pamantasan.
Mula sa matapang na pagbabalita hanggang sa de-kalibreng pag-arte sa pelikula at telebisyon, hindi nagpahuli ang Kapuso Network. Pasok sa listahan ng mga nominado ang mga pinagkakatiwalaang news anchors, batikang radio personalities, at mga paboritong artista ng bayan.
Bukod sa mga indibidwal, nominado rin ang ilang mga programa ng GMA sa telebisyon at radyo na patuloy na naghahatid ng serbisyong totoo at de-kalidad na entertainment sa mga Pilipino.
Inaasahang iaanunsyo ang mga opisyal na nagwagi sa iba't ibang kategorya sa darating na Marso 2026.
Tingnan ang mga Kapuso stars, personalities, programs, and films na kasama sa listahan ng mga nominado sa 'Laurus Nobilis Media Excellence Awards' sa gallery na ito.
















