GMA Network, humakot ng mga parangal sa 8th Gawad LaSallianeta

Humakot ang iba't ibang mga personalidad, bituin, programa, at pelikula ng GMA Network sa 8th Gawad LaSallianeta noong Martes, January 26, 2026.
Ang Gawad LaSallianeta ay inilunsad ng De La Salle Araneta University na naglalayong kilalanin ang mga de-kalibre at huwarang media communicators sa bansa.
Layunin din nitong bigyang-pugay ang mga programa at pelikulang nag-iwan ng malaking marka at positibong impluwensya sa telebisyon at big screen.
Pinatunayan ng Kapuso Network ang kanilang husay sa bawat larangan, mula sa walang kinatatakutang pamamahayag hanggang sa world-class na pag-arte.
Hindi lang ang mga tanyag na news anchors, influencers, at paboritong artista ang nag-uwi ng award, kundi pati na rin ang mga programang naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino rito at sa ibang bansa sa paghahatid ng 'Serbisyong Totoo.'
Tingnan ang mga Kapuso stars, personalities, programs, and films na nagwagi sa 8th Gawad LaSallianeta sa gallery na ito.
























