GMA's 2026 Christmas Station ID shines with its biggest and brightest Kapuso stars

Ipinalabas na nitong Lunes, November 9, ang most-awaited GMA Christmas Station ID 2026: Liwanag Natin Ang Isa't Isa.
Sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaanan ng mga Pilipino ngayong taon, hatid ng temang “Liwanag Natin ang Isa't Isa” ang mensahe ng pagmamahal na hindi kailanman mapupundi at ang kahalagahan ng pagbibigay-liwanag sa buhay ng isa't isa.
Paalala rin ito mula sa Kapuso stars at personalities na hindi nag-iisa ang bawat pamilyang Pilipino ngayong Pasko dahil may liwanag at pag-asang maibabahagi sa isa't isa.
Nakiisa rin ang hosts ng noontime variety show na It's Showtime sa paghahatid ng liwanag sa mga Kapuso sa pamamagitan ng GMA Christmas Station ID 2026.
Silipin ang Kapuso stars at personalities na tampok sa GMA Christmas Station ID 2026 sa gallery na ito.









































