advertisement
TV

Golden Cañedo, sinagot ang mga haka-haka tungkol sa panandalian niyang paglayo sa showbiz

1 of 10

Boyfriend

Isa sa mga itinuturong dahilan noon ng netizens sa pagbalik ni Golden sa kaniyang hometown sa Cebu ay ang boyfriend niya noong mga panahon na iyon. Ngunit paglilinaw ng singer, hindi ito ang pangunahing dahilan ng kaniyang pag-alis sa showbiz.

2 of 10

Tinanggal

Samantala, ang ibang netizens naman, pinaniniwalaan na hindi lang basta umuwi ng Cebu si Golden, kundi tinanggal. Aniya, wala ring katotohanan ang mga bali-balitang ito.

3 of 10

Pandemic

Sa halip, isa sa mga itinuturong dahilan ni Golden sa kanyang panandaliang paglayo noon sa showbiz ay ang COVID-19 pandemic. Dahil siya ang breadwinner ng pamilya at nabawasan ang trabaho niya noon, naisip niyang bumalik na lang muna sa kaniyang hometown sa Cebu.

advertisement
4 of 10

Pausing her career

Ani Golden, "Because of the pandemic po talagang nagdesisyon po kami na i-pause muna po lahat ng mga pinaghirapan po namin."

5 of 10

Decision

Nilinaw ni Golden na noong una, nagulat ang kaniyang pamilya sa kaniyang desisyon na iwan panandalian ang kaniyang karera. Ngunit kalaunan ay sinuportahan na rin nila ito.

6 of 10

Studies

Isa rin sa mga rason niya ay gusto niyang tapusin muna ang pag-aaral sa nursing. Sabi pa ni Golden, napili niyang bumalik sa Cebu imbes na mag-aral sa Manila dahil doon naman talaga sila nakatira at magiging mas komportable siya doon.

advertisement
7 of 10

Comeback

Pag-amin ni Golden, hindi naging madali ang pagbalik niya sa showbiz. Sa katunayan, nakatanggap siya ng tawag galing sa 'The Clash' na nagtanong kung sigurado ba siya dahil tuloy-tuloy na umano ang pagsisimula muli ng kaniyang karera.

8 of 10

Hindi inaasahan

Sinabi rin ni Golden na hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa muli niyang pagbabalik, "Talagang hindi ko ini-expect na up until now, nandito pa rin po 'yung mga humahanga po sa akin."

9 of 10

Fear and excitement

Sa pagbabalik ni Golden sa limelight, excited siyang mag-yes sa mga bagong oportunidad na darating sa kaniya, kabilang na ang pag-guest sa GMA Afternoon Prime series na 'Born to Shine.' Ngunit pag-amin ng dating Clasher, "Takot po ako sa sarili ko kasi po siyempre po naninibago ako. For the past five years, talagang madami akong time na hindi pa nawo-work sa self ko, tulad po ng dancing, acting."

advertisement
10 of 10

Future

Sa naunang interview ni Golden sa '24 Oras,' sinabi niyang kukuha siya ng nursing licensure exam sa susunod na taon. Pero sa ngayon, gusto lang niya munang i-enjoy ang pagbalik niya sa telebisyon.

Around GMA