Good-looking non-showbiz sons of Filipino celebrities

Maraming celebrities ngayon ang nakilala dahil sa kanilang pagiging anak ng mga artista. Pero kahit instant celebrity na maituturing, gumagawa pa rin sila ng kanilang sariling pangalan sa industriya.
Kung mayroong mga sumusunod sa yapak ng kanilang mga magulang na artista, mayroon din namang mga anak ng celebrity na mas piniling hindi pasukin ang show business pero unti-unti pa ring nakilala dahil sa kanilang hindi maitatagong artistahin looks.
Sa social media, mabilis na pinupusuan ng netizens ang mga larawan ng mga anak ng artista na hindi pa nila napapanood sa telebisyon o pelikula.
Narito ang ilan sa mga guwapong anak ng mga celebrity na piniling maging non-showbiz.

















