Sino-sino sa mga paborito ninyong celebrity ang gumawa ng ingay this 2018, dahil sa kanilang sexy swimsuit?
Certified trending ang mga larawan ni Mommy Pauleen Luna sa Amapulo, Palawan. Litaw ang kaseksihan ng misis ni Bossing Vic Sotto na na-achieve ang sexy figure matapos ang isang taon ng ipinanganak niya si Baby Tali. May mahigit sa 152,000 likes sa Instagram ang kuha ni Poleng suot ang two-piece black bikini.
Sweetheart no more! Mas handa na sa mas mature role ang Kapuso actress na si Bianca Umali. Pinainit ni Bianca ang social media matapos ipakita ang slim figure niya nitong nakaraang Marso.
Instagram-worthy ang photo ng Kapuso phenomenal star na si Maine Mendoza. Confident ang 'Dubsmash Queen of the Philippines' habang suot ang pastel-colored one-piece swimsuit. Umabot ang sexy Instagram selfie ni Maine ng mahigit sa 344,000 likes.
Laman ng mga balita ngayong taon ang celebrity stylist na si Liz Uy, lalo nang umamin siya sa tunay na pagkatao ng ama ng kaniyang anak na si Baby Xavi. Tumawag din ng pansin ang sexy Instagram selfie niya last July 2018.
Makalaglag panga ang sexy bikini OOTD ng Kapuso fashionista na si Heart Evangelista nito lamang Nobyembre. Umani ang naturang photo ni Heart nang mahigit sa 278,000 likes.
Fitspiration ng maraming nanay ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati. Wala pang anim na buwan matapos ipinanganak niya si Baby Kai ay naibalik agad ni Sarah ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.
Bagay ang island life para sa morena actress na si Nadine Lustre. Nag-viral sa social media ang vacation photo ni Nadine sa Siargao noong Hulyo.
Wagi ang 'Baywatch' vibe ni Andrea Torres na sobrang sexy suot ang red-colored one piece swimwear.
Mas lalong pinaint ng Kapamilya beauty na si Sue Ramirez ang Abril nang mag-pose siya sa Instagram in a two-piece bikini. May halos kalahating milyong likes ang photo na ito ni Sue sa Instagram.
Pinapatunayan ng former 'Encantadia' star na si Diana Zubiri na isa siya sa pinakasexy na nanay sa showbiz. Pinag-usapan sa social media ang vacation photos niya sa Maldives noong Mayo.
Agaw atensyon sa social media ang mapangahas na digital cover ng Preview Magazine featuring Kapuso drama royalty na si Janine Gutierrez.