Grumpy lolo, makikilala ang kanyang masiyahing apo sa 'Regal Studio Presents: Ang Pasko ni Santi'

Damang-dama pa rin ang Pasko sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Ang Pasko Ni Santi," kuwento ito ng isang lolo at ng kanyang apo na magkasamang magpa-Pasko sa unang pagkakataon.
First time na bibisita si Yohanne (Elijah Alejo) sa bahay ng kanyang lolo na si Santi (Francis Mata).
Hindi niya inaasahan na isang masungit na loner pala ang kanyang lolo. Gayunpaman, desidido si Yohanne na bigyan ng magandang Pasko ang kanyang lolo Santi.
Madadala ba ni Yohanne ang Christmas spirit sa buhay ni Santi?
Abangan ang episode na "Ang Pasko Ni Santi," December 29, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






