Guro, laging pinapatawad ang abusadong asawa sa '#MPK'

GMA Logo The Abused Teacher on MPK

Photo Inside Page


Photos

The Abused Teacher on MPK



Kuwento ng isang mapagmahal na guro ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Nagtatrabaho bilang isang high school teacher si Andrea. Sa kabila ng mga aral at mabuting halimbawa niya sa kanyang mga estudyante, isa palang battered wife si Andrea.

Paulit-ulit siyang nakakaranas ng physical, emotional at maging psychological abuse mula sa kanyang asawang si Ricky.

Laging pinapatawad ni Andrea ang asawa dahil sa pagmamahal niya rito.


Matutunan kaya ni Andrea na isipin ang sarili niyang kapakanan? May hangganan ba ang pagmamahal at pagpapatawad niya sa asawa?

Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "The Abused Teacher," June 10, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rochelle Pangilinan
Pancho Magno
Ina Feleo
Abuse
Advice
Love
The Abused Teacher

Around GMA

Around GMA

2 piloto, nasawi sa pagbagsak ng air cargo plane sa Coron, Palawan
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together