Bumuhos ang pagbati kay Ysabel Ortega sa pagdiriwang ng kanyang 27th birthday noong Linggo, January 25.
Talaga namang ramdam na ramdam ng aktres ang love at support sa kanya ng mga mahal sa buhay, malalapit na kaibigan, fans, kapwa celebrities, at maging ng co-stars sa kinabibilangang show na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Basahin ang ilan sa pagbating natanggap ni Ysabel Ortega sa gallery na ito:
Sinorpresa ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega sa kanyang kaarawan habang nasa taping ito ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Dinalhan ng aktor ng cake at flowers ang aktres, na sobrang ikinatuwa ni Ysabel.
Sa pangunguna ng leading man na si Jon Lucas, sinorpresa ng Sang'gre crew ng birthday cake si Ysabel Ortega habang nasa set. Kinantahan din nila ang aktres ng birthday song, na tuwang-tuwa namang sinabayan ni Ysabel.
Bukod sa sorpresa sa set, nagbigay rin ng mensahe si Jon Lucas para sa Sang'gre on-screen partner na si Ysabel Ortega. Sulat niya, "Hasne Ivo Live (Happy Birthday), aming mahal na hara! Wala kaming hiling kundi matamo mo ang lahat ng hinahangad ng iyong puso. Deserve mo lahat ng mabubuting bagay dahil napakabuti mong Hara maging sa totoong buhay. Proud kami sa 'yo Ysabel Ortega!"
Nakatanggap din si Ysabel Ortega ng pagbati mula sa Sang'gre co-star na si Jenzel Angeles, na gumaganap na dama (tagasilbi) ni Hara Armea. Sulat ng aktres, "Hindi na kami umabot ni tita sa taping salubong! Happy birthday, Ysabel Ortega lablab!"
May birthday greeting si Rayver Cruz para kay Ysabel Ortega: "Happy birthday Ysabel Ortega! Enjoy ka today! Mahal ka namin. See you soon!"
Binati rin ni Matt Lozano ang dating Voltes V: Legacy co-star na si Ysabel Ortega sa kanyang kaarawan: "Happy birthday, Ysabel Ortega."
Nakatanggap ng pagbati si Ysabel mula kay Sophia Senoron: "Happy birthday sab!"
Bumuhos din ang pagbati kay Ysabel Ortega mula sa 'Sang'gre' viewers.