'Hating Kapatid' kontrabidas Valerie Concepcion at Faye Lorenzo, nais sampalin ang isa't isa

Hindi maitatanggi nina Valerie Concepcion at Faye Lorenzo na nae-enjoy nila ang pagiging kontrabida sa Hating Kapatid. Isa umano sa mga gustong-gusto nila ay nakapag-aapi sila sa teleserye.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 23, ibinahagi ni Valerie kung gaano sila kasaya sa set ng naturang GMA Afternoon Prime series. Inihayag din niya kung gaano siya ka-blessed para maging parte ng proyekto.
“I am so happy and blessed to be a part of this show hindi dahil show namin, pero I really believe it's a really good show. And sobrang pinaghahandaan ko 'yung pagiging kontrabida ko rito kasi I really want to be a part of this show hanggang sa dulo,” sabi ni Valerie.
Samantala tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano nga ba ang tatak nina Valerie at Faye bilang mga kontrabida sa serye.
Alamin ang sagot nina Valerie at Faye sa gallery na ito:









