Heart Evangelista, masayang makasama at makausap muli ang ina

Hindi lingid sa kaalaman ng marami, naging malayo ang loob ni Global Fashion Icon Heart Evangelista sa kaniyang ina na si Cecilia Ongpauco, dahilan para hindi sila mag-usap nang matagal.
Ngunit kamakailan, nakasama ni Heart ang ina sa naganap na Paris at Milan Fashion Week, bagay na ikinatuwa ng marami.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 9, inamin ni Heart na naapektuhan siya nang husto sa mga negatibong komento at narinig niya sa social media ngayon. Dahil dito, hindi siya makapagtrabaho sa naturang events.
Kaya naman, bilang “backup,” tinawagan ni Heart ang kaniyang ina, “I couldn't work, and I'm there to work, I really need my mom to talagang para, 'Anak, gawin mo 'to.' So talagang siya 'yung mga nag-'Kailangan mo 'to gawin, you have to do this, focus.' To remind me of my worth, and it worked.”
Ani Heart, na-enjoy ng kaniyang ina ang pagpunta nila sa fashion week ng dalawang bansa. Pag-amin pa ng fashion icon, 21 years old siya noong huli niyang nakasama mag-travel ang ina, kaya laking tuwa niyang magkasama ulit sila.
Ngunit kasabay nito ang pag-aalala tungkol sa ina. Alamin ang pagkakamabutihan muli ng relasyon nina Heart at Cecilia sa gallery na ito:









