Malapit na mapanood ang pinakabagong game show na magpapasaya sa atin tuwing Sabado—ang The People Have Spoken!
Humanda nang manalo at makisaya, kung saan masusubukan ang galing ng bawat isa sa pagpulso ng saloobin ng mga Filipino.
Abangan din ang pinakabagong Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas, na magbibigay ng kakaibang saya at kulitan.
Huwag palampasin ang The People Have Spoken, simula ngayong June 6 (Saturday) sa GMA.
Samantala, silipin ang fun at bubbly pictorial ng The People Have Spoken hosts sa gallery na ito.
Ready na sina Heart Evangelista at Sean Lucas na mapakinggan ang boses ng taong-bayan sa pinakabagong game show na The People Have Spoken.
Abangan ang high-energy na kwentuhan at kulitan mula sa pinakabagong Kapuso tandem nina Heart Evangelista at Sean Lucas!
Handa nang makisaya ang ating bubbly at funny host na si Heart Evangelista!
Puno naman ng Gen-Z energy ang handog ng ating quick-witted host na si Sean Lucas.
Kasama ang ating hosts, haharap sa mga tanong ang isang daang studio audience (The People) tungkol sa iba't ibang pamilyar na paksa at isyu. Kailangang mahulaan ng celebrity contestants ang sagot ng mga People!
POV mo, panalo! Abangan ang The People Have Spoken, simula ngayong June 6 (Saturday), sa GMA!