Heart Evangelista, sinagot ang tanong na, 'Do you still want to be a mom?'

Sinagot ng aktres at international fashion ifluencer na si Heart Evangelista-Escudero ang iba't ibang tanong sa kaniya ng batikang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda gaya na lamang ng tungkol sa pagiging ina.
Sa kanilang panayam, binalikan ni Heart ang panahon kung saan siya nagkaroon ng miscarriage noong 2018 sa dapat sana ay kambal na anak nila ng asawang si Francis “Chiz” Escudero.
Ayon kay Heart, malaki ang naging epekto sa kaniya ng sandaling pagbubuntis noon, hindi lang sa pisikal, at emosyonal, kung 'di sa kaniyang buong pagkatao.
Aniya, “When I got pregnant I didn't realize how much I wanted it so badly and it changed me a lot because I didn't think I would be a good mom.”
Dagdag pa niya, “For a brief moment in my life, I realized that I can be a better person, and not necessarily that you have to give birth, not necessarily that you have to physically be a mom but the idea and what my angels made me feel is good enough for me.”
Kaugnay nito, muling tinanong ni Boy si Heart, “Do you still want to be a mom?”
“I don't know, honestly, I don't know,” sagot naman ni Heart.
Pero ayon sa aktres, hindi niya naman isinasara ang pintuan sa pagkakaroon ng anak. Aniya, “If I'll be a mom, why not?”
Sabi pa ng aktres, pinagdasal niya rin noon na sana ay makapiling niya pa rin ang kaniyang mga baby kahit sa anong paraan.
“I remember at that time, pinagdasal ko na 'find your way back to me in any form,'” ani Heart.
Dagdag pa niya, hindi niya pinipilit ang mga bagay at hinihintay niya na lamang na ipagkaloob ito gaya na lamang ng pagiging isang ina.
“For me hindi ko pinipilit 'yung mga bagay-bagay. I don't allow myself to be heartbroken dahil may mga bagay na hindi binibigay sa akin because I'm always grateful,” saad niya.
Sa ngayon, abala si Heart sa kaniyang pagiging fashion influencer at pagdalo sa ibat-ibang international fashion events.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Samantala, check out Heart's life as a stepmom here.









