'Hearts On Ice' actors, dinagsa ng fans ang mall tour sa Santa Rosa, Laguna

Talaga namang inabangan ng mga Lagunense ang pagbisita ng cast ng sports drama series na Hearts On Ice sa SM City Santa Rosa, Laguna noong Linggo (May 28).
Sa pangunguna ng lead star ng serye na si Ashley Ortega, nagbigay kasiyahan ang cast sa kanilang fans at ipinamalas ang kanilang husay sa ice rink.
Tingnan ang pagbisita nina Ashley, Roxie Smith, Skye Chua, Dani Ozaraga, at Lei Angela sa Santa Rosa, Laguna sa gallery na ito:











