Sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, hindi maiwasan ma-overwhelm sina Heath Jornales at Krystal Mejes sa suportang nakita at natanggap nila sa paglabas ng Bahay ni Kuya.
Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ipinahayag nina Heath at Krystal kung gaano sila ka-grateful sa kanilang fans.
Tingnan kung ano ang karanasan nina Heath at Krystal pagkatapos ng kanilang PBB journey sa gallery na ito:
Aminado sina Heath at Krystal na na-overwhelm sila sa suportang natanggap mula sa netizens at fans.
Pagbabahagi pa ni Krystal, kitang-kita nila noon ang supporters nila nang ipakita ang Ultimate 8 sa mga tao noong Big Night.
Sabi pa ni Krystal, "I saw their 'yung mga tarpaulins nila, 'yung mga LED lights nila, I was so overwhelmed."
Ngunit paglilinaw ng Kapamilya actress, overwhelming ang nararamdaman niya pero alam niyang galing ito sa pagmamahal at suporta na natatanggap nila.
Gaya ni Krystal, overwhelmed din si Heath sa suportang natanggap nila, pero thankful din sila pareho na umabot sila sa Ultimate 8.
Ibinahagi rin ni Heath na noong apat na lang sila sa entablado noon, nagdasal siya hindi para ipanalangin na siya ang manalo, kundi para magpasalamat na umabot siya kung nasaan sila noon.
Sabi pa ni Heath, "Kasi makaabot po sa Ultimate 8 po, I already felt like a winner. And going into PBB, that was already a win for me so I was super thankful kay Papa Jesus po na naka-abot po ako that far. I was just thanking him the entire time po."
Ayon kay Heath, masaya na siya noon kung ano man ang ibigay sa kaniya, maging Second Big Placer man siya o Big Winner.
Pagkatapos ng Big Night, sabi ni Krystal, isa sa mga una niyang ginawa ay makakuwentuhan ang kaniyang pamilya. Pagkatapos noon, nag-scroll na siya sa social media at binabasa ang comments mula sa netizens.
Gaya ni Krystal, nagbabasa rin si Heath ng comments at pareho silang nakakuha ng maraming bashing, bagay na kinuha at tiningnan lang nila bilang paraan para pagbutihin ang sarili.