Heaven Peralejo, bagong leading lady ni Alden Richards

Kinumpirma ni Heaven Peralejo ang pagtatambal nila ni Alden Richards sa isang pelikula.
Maiksing nakapanayam ng entertainment media kay Heaven matapos siyang ipakilala bilang 2024 Ginebra Calendar Girl kagabi, November 30.
Dito, nabanggit niya na magkakaroon sila ng taping ngayon, December 1, para sa pelikulang Out of Order, na ididirek din ni Alden.
“Exciting!” sabi ni Heaven. “Alden is… he's a first-time director pero he knows what he wants. He's really like one of the best directors I've ever had.”
Tinanong ng press kung istriktong direktor si Alden, sagot ng aktres, “Hindi. He's gonna make you collaborate with you.”
Ayon sa mga naunang ulat, ang pelikulang ito ay collaboration ng Viva Films, Studio Viva, at Myriad Entertainment, na pag-aari ng Kapuso actor.
Ang proyektong ito marahil ang isa sa mga dahilan ng pagdalo ni Alden sa birthday at graduation celebration ni Heaven kamakailan.
Bukod sa pelikulang ito, isa rin si Alden sa mga bibida sa upcoming GMA teledrama, ang Pulang Araw, kung saan makakasama niya sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at David Licauco.
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG PAGSASAMA NG MGA KAPUSO AT KAPAMILYA SA ISANG PROYEKTO:




























