Heaven Peralejo confirms breakup with Marco Gallo: 'We're not together anymore'

Kinumpirma ni Heaven Peralejo na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend at ka-love team na si Marco Gallo.
Sa panayam matapos ang press conference ng bago niyang web series na I Love You Since 1982, hindi naiwasan ng entertainment media na tanungin si Heaven tungkol sa relasyon nila ni Marco dahil sa seryeng ito ay iba na ang kanyang mga makakapareha, sina Jerome Ponce at Joseph Marco.
"We're not together anymore," pag-amin ng 25-year-old actress.
Patuloy niya, "It was a mutual decision to part ways and, you know, move forward individually. We're okay. We're good friends. Sana maintindihan po ng mga taong nagmamahal sa amin at tuluy-tuloy pa rin po ang pagsuporta kahit we're in a different path na."
Bagamat hiwalay na, nanatili naman daw na magkaibigan sina Heaven at Marco.
Sabi ng aktres, "Before naman po naging kami, we were good friends. 'Yun po ang naging foundation namin. At saka it was a mutual decision."
Sa ngayon, malaking tulong daw ang kanyang bagong proyekto sa pagmo-move on dahil, aniya, "Nalalabas ko sa trabaho, so mas okay po. Ngayon, okay na ako. Matagal na rin naman, so that's okay."
Kaugnay nito, pabirong tinanong si Heaven ng co-actor niyang si Jerome kung handa siyang makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend.
"We can still work together," sagot niya.
Dagdag pa niya, "As of the moment, we need to give time for each other, di ba, to breathe and every time. Once we see each other naman and we see each other naman, okay kami, parang walang nagbago."
Ayon kay Heaven, magkakatrabaho pa talaga sila ni Marco dahil may dalawang libro pang natitira sa Wattpad-to-screen adaptation ng mga University Series si Gwy Saludes. Matatandaan na ang dalawang aktor ang love team na bumida sa unang libro ng online author, ang The Rain in España.
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Heaven sa mga sumusuporta sa love team nila ni Marco, na kilala bilang MarVen.
"Maraming-maraming salamat po, of course, sa pagmamahal na ibinigay n'yo sa amin. Alam ko pong masakit po pero sana maintindihan din po ninyo ang desisyon namin and sana marespeto n'yo po yun at sana tuluy-tuloy pa rin po ang suporta ninyo sa aming dalawa. Mahal po namin kayo and we're grateful na nandiyan po kayo para sa amin," pagtatapos ni Heaven.
Samantala, balikan ang sweetest moments nina Heaven at Marco sa gallery na ito







