Isang makasaysayang pangyayari ang nasaksihan ngayong Sabado (April 6) dahil umere na ang It's Showtime sa GMA.
Pasabog na opening number ang inihanda ng hosts ng naturang noontime variety show na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Bukod dito, isang nakakamanghang birthday performance ang hatid ng Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda.
Napanood din sa It's Showtime ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Mark Bautista, Nadine Samonte, Christian Bautista, Jake Vargas, at Chanty ng Lapillus at sila'y naglaro sa “KaraoKids.”
Samantala, sumalang ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee sa “EXpecially For You” at kasama niya rito ang kanyang inang si Melanie Marquez.
Napanood ang It's Showtime sa GMA ngayong Sabado, April 6.
Isang song performance ang hatid ng actress at host na si Anne Curtis.
Mala-diyosa talaga ang beauty ni Anne Curtis!
Isang pasabog na birthday performance ang hatid ng Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda.
Nakakamanghang performance ang hatid ni Vice Ganda para sa Madlang People at Madlang Kapuso.
Nakasama ni Vice Ganda sa kanyang birthday performance ang drag queens na sina Precious Paula Nicole, Minty Fresh, Brigiding, at Captivating Katkat.
Pasabog din ang song and dance performance ng actress-host na si Karylle.
Isang buwis-buhay performance ang ipinamalas ni Kim Chiu sa opening number ng It's Showtime sa GMA.
Masayang kantahan ang hatid nina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa opening number ng It's Showtime.
Ipinakita nina Vhong Navarro at Jhong Hilario ang kanilang galing sa pagsayaw.
Ipinamalas nina Ryan Bang at Ion Perez ang kanilang dance moves sa It's Showtime stage.
Ipinakita ni Amy Perez ang kanyang dance moves sa opening number ng It's Showtime sa GMA.
Pangmalakasang kantahan ang hatid nina Ogie Alcasid at Darren Espanto nang awitin nila ang “Let Me Entertain You.”
Hindi rin nagpatalo ang hosts at comedians na sina MC at Lassy.
Looking sexy and fabulous sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa kanilang performance.
Nakisaya at naglaro ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Mikee Quintos, at Mark Bautista sa segment na “KARAOKIDS” ng It's Showtime.
Naglaro rin sina Kapuso actresses Glaiza De Castro at Nadine Samonte sa “KARAOKIDS.”
Napanood din sa “KARAOKIDS” sina Jake Vargas, Christian Bautista, and Chanty ng Lapillus.
Sumalang ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee sa “EXpecially For You” ng It's Showtime bilang searcher.
Nakasama ni Michelle Dee ang kanyang ina na si Melanie Marquez sa “EXpecially For You.”
Isa sa mga searchee sa “EXpecially For You” ay ang Kapuso host na si Martin Javier.
Mapapanood ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, sa GMA at GTV.