Herlene Budol at Kevin Dasom, nagkita ang kani-kanilang pamilya sa Thailand

Mas lumalalim na ang relasyon nina Herlene Budol at Kevin Dasom simula noong una silang nagkatrabaho sa GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit.' Sa katunayan, nililigawan na ng huli hindi lang ang beauty queen-actress, kundi maging ang pamilya nito.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 22, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon ng dalawa. Dito, binigyang-linaw nila ang kumakalat na balitang kinagagalitan ng aktres ang Thai-Irish model.
Paliwanag ni Herlene, “Kasi sabi ko, picture kami together. Sabi ko, 'Dito!' Ang OA lang naman kasi 'yung mga tao, akala nila, palagi kong inaaway. Kung sino ka man, ganun lang po talaga ako mag-ano... Kumbaga, malaki lang talaga 'yung reaksyon ko palagi.”
Nilinaw din ni Kevin na hindi naman siya inaway ng aktres. Sa halip, minamadali lang siya nito dahil may maiksing oras lang para makunan sila ng litrato.
Napag-usapan din nila ang next step sa relasyon nina Herlene at Kevin, at kung papaano nagkita sa Thailand ang kani-kanilang mga pamilya.
Alamin ang kuwento ng relasyon nina Herlene at Kevin sa gallery na ito:









