advertisement
TV

Herlene Budol at Kevin Dasom, nagkita ang kani-kanilang pamilya sa Thailand

1 of 10

Great relationship

Pag-amin nina Herlene at Kevin, maganda ang relasyon nila ngayon bilang magkaibigan. Sa katunayan, naging mas malapit pa sila sa isa't isa simula nang magkatrabaho sa dating GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit.'

2 of 10

Differences

Pag-amin ni Herlene, hindi rin niya alam kung bakit maganda ang pagkakaibigan nila ni Kevin. Aniya, madalas silang nagkakasundo ni Kevin.

3 of 10

Panliligaw

Ayon naman kay Kevin, nililigawan pa rin niya ang beauty-queen-actress. "We're very happy together, like everyone says, we get along very well but it's a work in progress," sabi ni Kevin.

advertisement
4 of 10

Saan papunta

Dahil sa nakikitang magandang samahan ng dalawa, tanong ni Boy, "Ito bang inyong pagkakaibigan, papunta na saan?" Ayon kay Herlene, depende kung gaano katiyaga si Kevin sa kaniya.

5 of 10

Time will tell

Pagbabahagi pa ni Herlene, "Kasi sabihin naman natin, minsan, hindi naman natin masasabi kung totoo bang lahat ng nasa TV, 'di ba? Umabot naman ng isang taon 'yung friendship namin, tingnan natin, Tito Boy. Time will tell."

6 of 10

Enjoy the journey

Para naman kay Kevin, "I think, as you walk the journey, you don't know where it ends, you enjoy it, you enjoy while you're doing it."

advertisement
7 of 10

Courting the family

Pag-amin naman ni Kevin, bukod kay Herlene ay nililigawan niya rin ang pamilya ng aktres. "For Herlene, it was not something that needed to be done, but it meant a lot to her."

8 of 10

Thailand trip

May ilang pagkakataon na ring nagpunta si Herlene kasama si Kevin sa Thailand. Noong unang pagkakataon kasama pa ng una ang kanyang ina.

9 of 10

Meeting Kevin's family

Sa paraehong pagkakataon, nakilala nina Herlene at ng kaniyang ina ang pamilya ni Kevin, at naging maganda naman umano ang naging reaksyon nila dito.

advertisement
10 of 10

Family in Thailand

Sabi naman ni Herlene sa pagkikita ng mga pamilya nila ni Kevin, "Masaya lang, parang nagkaroon kami ng pamilya du'n, kami nila mama."

Around GMA