Herlene Budol at Rob Gomez, nagpakilig sa Tinapay Festival sa Batangas

Nagpakilig kamakailan ang mga bida ng afternoon hit series na Magandang Dilag na sina Herlene Budol at Rob Gomez sa naganap na Tinapay Festival sa Cuenca, Batangas.
Kilala ang Cuenca sa pagiging "Home of Bakers" at para magbigay pugay sa kanilang patron saint na si Our Lady of Peace and Good Voyage ay nagsasagawa sila ng Tinapay Festival taon-taon. Tuwing fiesta rin nila ipinagdiriwang ang kanilang founding anniversary. Isa sa mga activity ng Tinapay Festival ay ang paghahanda ng iba't-ibang panadero ng mga tinapay at pastries.
Tingnan kung papaano napakilig nina Herlene at Rob ang mga Batangueño sa gallery na ito:







