advertisement
TV

Herlene Budol, may inamin sa 'Binibining Marikit' mediacon: 'Napakasuwerte ko'

1 of 18

Binibining Marikit media conference

Nagsuot ng Filipiniana at Barong ang cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit' sa kanilang Filipino-themed media conference na ginanap noong Lunes, February 3, sa GMA Network Annex Studio 6.

2 of 18

Herlene Budol

Litaw ang kaseksihan ng bida ng 'Binibining Marikit' na si Herlene Budol sa kanyang modern halter terno na nagpapakita ng kanyang flat tummy.

3 of 18

Pokwang

Mala-supermodel si Pokwang nang humarap sa kamera para mag-pose bago maglakad patungo sa stage. Gaganap siyang ina ni Herlene Budol sa serye.

advertisement
4 of 18

Tony Labrusca

Clean look ang dating ni Tony Labrusca sa kanyang modernong Barong na may embroidery details. Isa sa leading men ni Herlene Budol sa 'Binibining Marikit' ang aktor na acting debut sa GMA ang drama series.

5 of 18

Cris Villanueva

Supportive dad ni Herlene Budol si Cris Villanueva sa 'Binibining Marikit.'

6 of 18

Almira Muhlach

Ageless ang ganda ni Almira Muhlach sa kanyang pulang terno. Ang aktres ang gaganap na main kontrabida sa serye.

advertisement
7 of 18

John Feir

Sa 'Binibining Marikit,' papatunayan ng komedyanteng si John Feir na kaya niya ring mag-drama.

8 of 18

Thea Tolentino

May bagong kontrabida role na namang aabangan kay Thea Tolentino at ito ang kanyang karakter sa 'Binibining Marikit.'

9 of 18

Ashley Rivera

Best friend ni Herlene Budol ang gagampanang role ni Ashley Rivera sa serye.

advertisement
10 of 18

Jeff Moses

Si Jeff Moses ang boyfriend ni Ashley Rivera sa 'Binibining Marikit.'

11 of 18

Migs Almendras

Matapos lumabas sa BL series, nakakaaliw pero kaiinisan naman ang role ni Migs Almendras sa 'Binibining Marikit.' Siya ang beki best friend ni Thea Tolentino sa bagong serye.

12 of 18

Kevin Dasom

Ipinapakilala sa 'Binibining Marikit' ang Thai-Irish model at Manhunt International 2024 titlist na si Kevin Dasom. Isa siya sa love interests ni Herlene Budol sa GMA Afternoon Prime series.

advertisement
13 of 18

Direk Jorron Lee Monroy

Dumalo rin sa media conference ang direktor ng 'Binibining Marikit' na si Jorron Lee Monroy.

14 of 18

Gentlemen

Inalalayan nina Kevin Dasom at Tony Labrusca ang kanilang leading lady paakyat ng stage.

15 of 18

Host

Si Ashley Rivera rin ang nagsilbing host ng event.

advertisement
16 of 18

Q & A

Naging kuwela ang media conference dahil sa mga rebelasyon ng cast.

17 of 18

EG executives

Nagpakuha ng litrato si Herlene Budol sa kanyang Kapuso bosses na sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at GMA Vice President for Drama na si Cheryl Ching- Sy.

18 of 18

Herlene and Pokwang

Paniguradong riot ang samahan nina Pokwang at Herlene Budol sa set ng 'Binibining Marikit' at patunay diyan ang wacky shot na ito.

advertisement

Around GMA