Herlene Budol, pursigidong masungkit ang Golden Crown sa Miss Grand Philippines 2023

GMA Logo herlene budol

Photo Inside Page


Photos

herlene budol



Kabilang si Herlene Budol sa early top picks sa Miss Grand Philippines 2023.

Sa kabila ng mga bumabatikos sa kanya, pursigido si Herlene na maiuwi ang kauna-unahang Golden Crown para sa Pilipinas. Ito ay kung sakaling siya ang palaring manalo sa Miss Grand Philippines 2023 at magrepresenta sa Miss Grand International 2023 na gaganapin sa October 25 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Sa pre-pageant activities pa lang ng Miss Grand Philippines 2023, masasabing isa sa mga paboritong kandidata si Herlene.

Sa tingin niya, bakit siya tinatangkilik ng masang Pilipino?

"Siguro dahil nakikita nila ang mga pinagdaanan ko simula no'ng bata po ako until now ho na na-experience ko lahat ng napagdadaanan po nila na pwede po palang mapagtrabahuhan lahat ng bagay na meron po tayo ngayon," sagot ni Herlene sa panayam ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong mag-guest siya noong June 28.

Labis na ang paghahanda niya para sa nalalapit na coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 na gaganapin sa July 13 sa SM MOA Arena.

Sa palagay ni Herlene, bakit deserving siyang manalo sa patimpalak?

Sagot niya sa panayam ng GMANetwork.com, “Feeling ko deserving akong manalo kasi 'yung mga experience ko sa buhay kaya kong i-share sa kanila at saka gusto ko marami silang mapulot sa 'king aral kasi 'yung mga pinagdaanan ko is hindi rin biro.

"Hindi naman ako gano'ng ka-perfect na tao e, gusto ko lang ma-inspire sila sa buhay ko na talagang walang susuko, habang may buhay, may pag-asa at lahat ng bagay napag-aaralan kaya kung kaya ko, nagawa ko, kaya mo din.”

Tingnan ang Miss Grand Philippines journey ni Herlene sa gallery na ito:


Herlene Budol
Swimsuit
First screening
Pasarela
Grand Budol Walk
Press presentation
Criticisms
Headshot
Pool
Swimsuit competition
Mission
Voting
Special award

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants