News

'High-level delegation' mula Miss Universe Organization, papunta ng Thailand para ayusin ang gusot ng Miss Universe

GMA Logo Miss Universe Thailand controversy
PHOTO COURTESY: @sevenbarretto, @renzpangilinan (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Miss Universe Thailand controversy



Matutuldukan na ba ang kontrobersyang bumabalot sa Miss Universe pageant?

Naglabas ng statement ang Miss Universe organization sa kanilang Instagram at iba pang social media na nagsasabi na may paparating na “high-level delegation” sa Thailand na pinamumunuan ni Mario Búcaro, ang kasalukuyang CEO ng Miss Universe Organization. Ayon sa statement, ang delegasyon ay papunta ng Thailand para masiguro ang “secure and professional environment for all delegates” at para i-reaffirm ang “commitment to transparency, respect, and unity” ng organization.

Sinabi rin sa statement na magpapatuloy ang lahat ng scheduled events at activities na merong “full cooperation” ng host country at ng Miss Grand International (MGI) organization.

Ang statement ay inilabas ng Miss Universe Organization pagkatapos maglabas ng statement ang Miss Universe Thailand na inilalayo ang organization mula sa online casino na isa sa mga sponsor ng Miss Universe 2025. Ayon sa Miss Universe Thailand, illegal ang mga online casino sa Thailand, at ang pagkuha nito bilang sponsor ay desisyon lamang ng Miss Universe Organization at hindi ng Miss Universe Thailand.

Sa kasalukuyan, lampas sa 5,000 likes na ang natanggap ng post sa Instagram. Higit sa 600 comments na rin ang makikita sa post.

Ang statement naman na ito ay inilabas ng Miss Universe Thailand pagkatapos sabihin ng Miss Universe organization na ang “Special Dinner & Talk Show” at online voting event na inorganisa ng Miss Universe Thailand ay hindi authorized at itinuturing nilang violation ng intellectual property rights at brand integrity.

"Miss Universe Organization reserves all legal rights to take appropriate action against any individual, company, or entity found to be using its intellectual property, trademarks, or brand assets without permission, including but not limited to the Miss Universe name, logo, imagery, or official event designations," saad nila sa kanilang statement.

Naglabas din ng statement ang Miss Universe Thailand na sinsagot ang paratang na ito. Ayon sa Miss Universe Thailand, ang “Like” voting campaign para sa “Special Dinner & Talk Show” kasama si Nawat Itsaragrisil ay parte ng official marketing package ng host country na Thailand, at may karapatan daw silang mag-organisa ng mga promotional activities sa loob ng kanilang teritoryo.

Ayon sa Miss Universe Thailand, ang statement na inilabas ng Miss Universe organization ay nagdulot ng “public misunderstanding”, kahit na may karapatan daw silang mag-organisa ng ganitong mga event. Sinabi rin ng Miss Universe Thailand na kinakausap nila ang kanilang legal team tungkol sa mga potensyal na impact sa kanilang Thai sponsors, at handa daw silang magpursige ng legal na kaso kung kinakailangan.

Kasalukuyan nasa Bangkok, Thailand ngayon ang kandidata ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo. Noong nakaraang araw lamang ay nagkaroon ng masayang send-off ang mga Filipino pageant fans para kay Ahtisa.

Sa Instagram post ng Miss Universe Philippines, nagpasalamat ang organization sa mga taong nagtungo sa NAIA Terminal 1 departure area para batiin si Ahtisa.

Ang coronation night ng 2025 Miss Universe ay mangyayari sa November 21 sa Bangkok, Thailand.

RELATED CONTENT: Check out some photos of Ahtisa Manalo since winning the Miss Universe Philippines crown


Ahtisa Manalo 
Beauty queen 
Different 
Q&A 
Grateful
Dating 
Status 
Miss Universe 

Around GMA

Around GMA

Haze in Crete island caused by sand dust from Sahara
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon