advertisement
Showbiz News

Highlights of Ebe Dancel's stage repeat for 'Sa Wakas: 20th Anniversary Celebration'

1 of 12

Sa Wakas

Matagumpay ang isinagawang stage repeat ng alt-rock icon na si Ebe Dancel para sa ika-20 taong anibersaryo ng iconic debut album ng Sugarfree na 'Sa Wakas.'

2 of 12

The Repeat

Napagdesisyunan ni Ebe Dancel na magkaroon stage repeat ng nauna nitong 'Sa Wakas' concert na naganap noong Enero dahil na rin hinihiling ito ng marami niyang mga tagahanga.

3 of 12

Ebe Dancel

Isang gabing puno ng kasiyahan ang muling inihandog ni Ebe Dancel sa lahat ng dumalo sa "Sa Wakas: The Repeat," na naganap noong March 31 sa 123 Block, Mandala Park.

advertisement
4 of 12

Guest performers

Bagong lineup ang inihanda ni Ebe Dancel para sa "Sa Wakas: The Repeat" kung saan nakasama niyang mag-perform ang dating band member na si Mitch Singson, ang rock band na Sandwich, ang string quartet na Manila String Machine, at ang stand-up comedian si Red Ollero.

5 of 12

Mitch Singson

Muling nakasama ni Ebe Dancel ang old bandmate na si Mitch Singsong sa "Sa Wakas: The Repeat."

6 of 12

Bandmate

Kuwento ni Ebe Dancel, noong una ay nagkasundo na sila ni Mitch Singson na magkaroon lamang ng isang concert para sa selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng 'Sa Wakas.' "Pero dahil nga roon sa clamor, gagawin ulit namin."

advertisement
7 of 12

Sandwich

Masayang-masaya si Ebe Dancel na nakasama niya sa "Sa Wakas: The Repeat" ang paborito niyang rock band na Sandwich.

8 of 12

Favorite band

"Personal request" ni Ebe Dancel na makasama ang Sandwich, na aniya ay, "will always be one of my favorite bands."

9 of 12

Red Ollero

Kuwento ni Ebe Dancel, unang kita pa lamang niya noon sa stand-up comedian na si Red Ollero ay agad na siyang humanga rito.

advertisement
10 of 12

Manila String Machine

Nakatugtugan din ni Ebe Dancel ang string quartet na Manila String Machine, na kuwento niya ay na-miss niyang makasama.

11 of 12

Gab Chee Kee

Dumalo rin sa kasiyahan ang gitarista ng Parokya Ni Edgar na si Gab Chee Kee.

12 of 12

Reason

Isa rin sa dahilan kung bakit itinuloy ni Ebe Dancel ang pagkakaroon ng stage repeat ng 'Sa Wakas' ay para makatulong sa kanyang kaibigan. "Although we're not announcing it, we're raising funds for a very good friend of mine who needs help because he has cancer and we wanna keep him safe and comfortable."

advertisement

Around GMA