Hula ni Jay Costura kay Kris Aquino: 'Mahaba pa ang buhay ni Kris'

GMA Logo Kris Aquino and Bimby Aquino
Photo by: Ogie Diaz YT

Photo Inside Page


Photos

Kris Aquino and Bimby Aquino



Kilala bilang isang sikat na psychic si Jay Costura dahil sa kanyang tila mga nagkatotoong hula tungkol sa showbiz, politika, at pati na rin sa mga trahedya o pangyayari sa mundo.

Marami siyang nahulaan at pinag-usapan ito sa internet katulad ng pandemyang dulot ng COVID-19 noong 2020.

Ngayon, may mga bagong hula at babala si Jay para sa mga artista at iba pang kilalang personalidad sa Pilipinas.

Sa bagong bidyo ng showbiz columnist na si Ogie Diaz, isa sa mga pinag-usapan nila ay ang kalagayan ng dating talk-show host na si Kris Aquino.

Ayon kay Jay, masasabi niyang mahaba pa ang buhay ng aktres dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

"I really admire Kris Aquino kasi napakalakas ng faith niya, 'yung pananampalataya niya. Mahaba pa ang buhay ni Kris kasi madami rin nagdadasal sa kanya," pahayag niya.

Nakatutulong din daw ang pagtanggap ni Kris sa kanyang kalagayan at ang pagiging handa niya sa posibilidad ng pagpanaw sa kahit anong oras.

"Isa pa is 'yung acceptance niya is nakatutulong. 'Yung nakakatulong is hindi siya natatakot mamatay and alam niya kasi sa sarili niya kung mawala man siya and daming tao na puwedeng mag-alaga sa mga anak niya. In that sense kasi, parang 'yung energy niya ang bumubuhay sa kanya at saka 'yung faith niya kay Lord," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, "Habang ganu'n ang napi-feel niya, mas lalo siyang lumalakas at gagaling. I can feel that kasi makikita mo siya sa aura niya na she wanted to live more para sa mga anak niya. Pero nandoon pa rin 'yung acceptance din na anytime pwede siya mamaalam."

TINGNAN ANG NAGING PAHAYAG NG ANAK NI KRIS NA SI BIMBY TUNGKOL SA KANIYANG KALUSUGAN SA GALLERY NA ITO:

Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang pagpapagamot ni Kris sa Amerika laban sa kanyang mga autoimmune diseases. Ang kanyang mga anak naman na sina Bimby at Josh ay bumalik na ng Pilipinas para ituloy ang kanilang pag-aaral.

Sa mga dating panayam, nabanggit din ng aktres na may plano na rin siyang bumalik sa bansa ngayong taon.

"Hopefully, sa last quarter ng taon, bago mag-Pasko, I'll be back in the Philippines,” hiiling niya.

Samantala, silipin ang timeline ng mga health scare ni Kris Aquino sa gallery na ito:


Migraine
Hypertension
Anaphylactic reaction
Weight loss
Fears
Worried for her sons
Blood testing
Medical findings
Rare disease
Back to work
Delaying the inevitable
What causes extreme weight loss

Symptoms
Taking matters to her own hands
Recent condition
Treatment
Drastic
Faith
Health update
Fragile and weak 
Loved by friends
Xolair treatment
Preliminary tests
Cancer ruled out
Sources of strength
Treatment in the US
Travel clearance
Life-threatening
Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA)
Serious medical treatment
'Time is now my enemy'
June 2022
Two more autoimmune diseases
Suitable treatment 
Gratitude
No cure
Home
Boy Abunda
Motivation
Fifth autoimmune illness
Allergic to medicines
Crucial stages
Keeping her promise

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity