HULA WHO: '90s heartthrob, may rebelasyon sa dating nakarelasyon

Ginulat ng '90s heartthrob ang mga manonood at pati na rin ang hosts ng isang Kapuso show nang umamin ito kung sino ang kaniyang first girlfriend sa showbiz.
Pag-amin ng aktor, ang kaniyang unang nakarelasyon sa showbiz ay ang nagbabalik-Kapuso na aktres at may bagong aabangan proyekto sa GMA Network.
Si aktor ay parte ng all-male group na sumikat sa telebisyon at pelikula dahil sa kanilang kaguwapuhan.
"I didn't know this!" saad ng host nang malaman niya ang kuwentong ito. Ito ay dahil nakasama rin niya ang all-male group sa isang show.
Itinanong naman ni host kung bakit sila nag-break at ang sagot ng aktor, "Hindi ko na maalala. It was puppy love"
Nang tanungin pa si aktor kung gaano sila katagal ay nagulat ang hosts dahil sa sagot nito.
Ani aktor, "Mga almost two years."
Natatawang hirit ng isang host sa sagot ng aktor, "Two years, puppy love?"
Biro naman ni aktor, "Puwede namang hindi. Nag-mature 'yung puppy."
Kilalanin kung sino ang aktor at aktres sa Hula Who rito:
Samantala, narito ang ilan pang-celebrities na dating magkarelasyon:
































