Hula Who: Aktor na malapit nang ikasal, di nakaiwas sa tukso

Sino itong gwapong aktor na in a relationship sa kanyang non-showbiz fiancée, pero bigla na namang pinag-uusapan dahil sa kanyang paandar sa likod ng kamera?
Ayon sa ating mga kamosang, kahit naka-angkla na ang puso niya sa kanyang fiancée, na halos malapit na niyang pakasalan, tila hindi raw mapigilan ng aktor na mahulog sa tukso. Ang masaklap, hindi basta ordinaryong babae ang kinasangkutan niya kundi isa ring showbiz personality. Ang dagdag na chika pa, ang kakulitan ng aktor sa harap ng kamera ay katumbas ng kanyang kalandian sa mga babae.
Ang clue? Si aktor ay matagal nang kilala sa industriya, at ang kanyang fiancée ay paminsang-minsang nagbibigay ng suporta mula sa sidelines. Samantala, si “third party” ay nakikita rin sa harap ng camera.
Ngayon, ang tanong ng bayan: matutuloy pa kaya ang wedding bells o mauuwi na lang ito sa goodbye?
Samantala, habang hinuhulaan ninyo kung sino sila, narito ang ilang celebrity couples na naghiwalay ngayong taon:

















